BABA, TAAS, BABA, TAAS

Ano bang maibibigay na comment ko sa mga kaguluhang nangyayari ngayon sa bansang ito
kung isa rin ako sa mga walang alam sa mga tunay na nangyayari, at tunay na nais nang mayorya para sa isyu na kinakaharap ng ating kasalukuyang pangulo at bansa?

Sa crisis na ito isa lang naman ang nanganganib sa bawat sagot, kilos at pasya ng taong bayan. Pero kung ating susuriin hati ang pananaw ng sambayanang pilipino ukol dito. Merong mga taong nagsasabing kailangan dumaan sa tamang proseso ang lahat at ang iba naman ay protesta sa daan upang maipakaita sa taong bayan ang kanilang hinaing at mga ipinaglalabang karapatang naiwala sa kanila. Ngunit sa iyong palagay alin nga bang paraan ang dapat nating gawin?

Sa dami ng hirap na pinag daanan nating mga pinoy, mas gugustuhin ko sana bilang isang Pilipino na maghanap ng isang mapayapang solusyon, yung pare-pareho tayong nagiisip at naninimbang, hindi nagpapadala sa galit at emosyon ng iba, dahil kahit anong sabihin natin at kahit anong galing, at ganon katiwala na nasa panig tayo ng tama mimsan di mo alam nalalansi ka na. Mahirap man paniwalaan at mangyari pero kung ang sambayanang Pilipino ay magkakaisa at hihinahon, at bantayan maigi at pairalin maigi ang batas sa palagay ko naman may laban tayo kahit paano..."may laban kahit paano"

"may LABAN KAHIT PAANO" siguro maraming mag co-comment sa "may laban kahit paano" dahil kung titignan natin pinairal na natin ang batas ng tama gumegewang pa rin ang hustisya, pero sa akin isa na iyon sa hakbang na maari nating gawing panimula upang maayos ang problema ng bansa. Kesa naman sa lumaban ka sa kalsada, pahirapan mo ang sarili mo pero ang laban mo pa rin e "may laban kahit paano". Isipin mo ang sarili mo pag nabalian ka ng buto, isipin mo ang pamilya mo pag ikaw na lang ang inaasahan, isipin monh mga taong madadamay sa gulo, mapa-civilian o mapa sundalo tao tayo parepareho at may mga taong umaasa at nagmamahal sa atin. Isipin mo mga taong walang pinag aralan, na konting udyok lang nagsisiklab ang damdamin at dahil mahal ang pamilya lalaban kung saan para lang masiguro ang kinabukasan ng kanilang mga anak. Siguro di na kailangan ng ilang EDSA kung uumpisahan nating sa tamang pamamaraan ng paglutas ng crisis sa bayan, huwag kang lumaban para saiyo, huwag kang lalaban para lang guminhawa ang buhay mo. lumaban ka para sa bansa mo, sa ikapapanatag, ikauunlad at ikagaganda...sisiguraduhin ko saiyo pati ikaw uunlad.

O? Ngayon pano naman mangyayari ang mga pinag sasasabi ko? Ewan ko din? hehehe...Pero dasal lang at maging mahinahon ok na siguro para sa unang hakbang.

PARANG GANITO YAN E: Aakyat sa dyip may dalang mga flyers sasahibih, MAKISAMA KAYO AT MAGINGAY PARA MAIPAKITA ANG PAGTUTOL NATIN SA PAG TAAS NG KURYENTE. pero suriin mo kung sino ang mga nagrereklamo at nakikibaka sa pagtaas ng kuryente e di mga nandadaya rin sa kuryente. WALANG KWENTA YANG MERALCO WALA NANG HIRING-HIRING TAAS NG TAAS, parang tayo din minsan wala ng HIRING HIRING nakaw na lang ng nakaw. Di naman sa kinakampihan ang meralco pero parepareho lang diba? Kung tutuusin. Taas ng pamasahe, kasi tumaas ang gasolina, pero pag nag-rollback ba ang gasolina babalik din ba sa dati ang pamasahe?

Merong mga bagay na mahirap gawin, at lalaong di magagwa sa isang pitik lang, kaya sana wala namang sisihan one way to improved the country is to help each other wag tayong maghatakan pababa. HAYYYYYYYYYYYYYYYYYY!!!!!!!!!!!!!!. Sana naman matapos na ito! Di ko gustong lumubog ang Pilipinas.

Comments

Lena said…
uy. ekononomista ang lola. hehe. make it a good day!
me said…
sobrang korek ka dyan!

minsan nga naiisip ko... sabi ng mga tao naghihirap na sila. pero mas malaking bahagi ng populasyon ng pilipinas ay may cellphone, laging may pang-text, may pang-tawag. ang mga mall, napupuno kahit hindi naman holiday. akala ko ba naghihirap na???

tapos ayaw nila ng tax increase. kasi nga naman, mababawasan ang pang-text nila. wehehehe, pinoy talaga oh...

kunwari pang ayaw mag-taas ng kuryente, e hindi naman sila talaga nagbabayad. wehehehehe... aminin!

sana talaga, maayos na itong mga suliraning pulitikal na ito nang makapag-concentrate tayo sa pagpapaunlad at pagpapaginhawa ng buhay ng mga mamamayang pilipino. hindi naman talaga mawawala ang mga problema dahil kailangan natin ang mga iyon para tayo ay ma-challenge, matuto at magpatuloy sa buhay :)
divah, sistah?!
ruthie said…
MAKIBAKA WAG MATAKOT! JOKE LANG!

Seriously, I agree with everything that you say. Personally, sana maging iba na ang system ng government. Yun bang nasa tao yung powers. Meron ba non? Sana...

Popular posts from this blog

Flames Hope Camel

Pinay wins it big in London

Ashamed!