Friendship questions???

Sa pag-kakaibigan walang iwanan diba? pero madalas ang laglagan. madalas ang iringan, madalas pikunan,asaran kasi ng asaran. Minsan nakaksakit, minsan walang pakialaman kahit alam ng nakakasagasa, pero deep inside masaya man ang pang ibabaw na nararamdamn dahil nakaganti... ang totoo nasasaktan ka rin.

Naranasan niyo na ba na minsan makipag kaibigan ka sa ibang tao at isiping iwan ang tinuring mong mga tunay na kaibigan dahil lang sa walang bagay na di pagkakaunawaan?
One ans: parang di ok.

Comments

me said…
hehe... wala, nangaasar lang :)
me said…
para sa akin, ang "kaibigan" ay hindi isang pangalan at ang paghahanap nito ay isang panghabambuhay na pakikibaka. sa aking pananaw, ang pakikipagkaibigan sa ibang tao ay hindi lagi ibig sabihin na iiwanan mo na ang mga dati mong kaibigan na nakasama mo sa parehas lungkot at ligaya, (lalo na sa mahabang panahon) pati na rin sa iyong pagunlad bilang tao. bahagi ito ng buhay, ang makihalubilo at maging bahagi ng buhay ng iba, upang matuto ng disiplina, respeto, paggalang, at lalung-lalo na ang magmahal. sa pakikihalubilo din maaaring makilala ng tao ang kanyang sarili, matuklasan ang kanyang mga kahinaan at kakayahan, lumawak ang kanyang pagiisip.

ang tao, kahit sino man, minsan ay nagiging makasarili. minsan naiisip nyang siya'y nag-iisa, siya'y inaapi, ginagamit, at kung anu-ano pang hinanakit sa buhay. minsan itong mga emosyon na ito ang nagiging sanhi ng pagpapasakit ng tao sa mga nasa paligid nya at pati na rin sa kanyang sarili. ang isang kaibigan, bilang isang tao rin ay marunong ding masaktan at magalit.

ang tao, mayroon syang malayang pagpapasya upang magpatawad o hindi. ang kaibigan, bago ka pa nanakit, bago ka pa nakagawa ng bagay na hindi maganda, matagal ka nang pinatawad. iyon ang alam ko. ang tao, maaari kang makalimutan sa mahabang panahon na hindi pagkikita. ang kaibigan, dahil ang paghanap nito'y habambuhay na pakikibaka, panghabambuhay din. tao, nanghuhusga sa kung ano ang nakikita ng kanilang mga mata. kaibigan, nararamdaman nya at nakikita ang kaluluwa sa iyong mga mata.

baw.
Lena said…
amy, what's ur foint? hehehe.

Popular posts from this blog

Pinay wins it big in London

Flames Hope Camel

Ashamed!