Posts

Showing posts from July, 2005

BABA, TAAS, BABA, TAAS

Ano bang maibibigay na comment ko sa mga kaguluhang nangyayari ngayon sa bansang ito kung isa rin ako sa mga walang alam sa mga tunay na nangyayari, at tunay na nais nang mayorya para sa isyu na kinakaharap ng ating kasalukuyang pangulo at bansa? Sa crisis na ito isa lang naman ang nanganganib sa bawat sagot, kilos at pasya ng taong bayan. Pero kung ating susuriin hati ang pananaw ng sambayanang pilipino ukol dito. Merong mga taong nagsasabing kailangan dumaan sa tamang proseso ang lahat at ang iba naman ay protesta sa daan upang maipakaita sa taong bayan ang kanilang hinaing at mga ipinaglalabang karapatang naiwala sa kanila. Ngunit sa iyong palagay alin nga bang paraan ang dapat nating gawin? Sa dami ng hirap na pinag daanan nating mga pinoy, mas gugustuhin ko sana bilang isang Pilipino na maghanap ng isang mapayapang solusyon, yung pare-pareho tayong nagiisip at naninimbang, hindi nagpapadala sa galit at emosyon ng iba, dahil kahit anong sabihin natin at kahit anong galing, at gan